Nung mallit pa ako, naaalala ko noon na may libro ang ate Charry ko na pinamagatang "ang mga bata sa palibot ng daigdig" ito ay mga kwento mula sa ibat ibang sulok ng daigdig, At lahat ng kwento ay may magagandang aral... Malimit akong binabasahan ng ate Lumen ko noon bago ako matulog -at ang tumatak na karakter sa akin ay mula sa kwento ng bansang Ethiopia "Si Woobitu" si Woobitu ay isang batang babae na maliit, maitim at kulot, malimit ako asarin ng kuya Boyes ko noon na kamukha ko daw si Woobitu, at lagi nya akong napapaiyak...
Aliw na aliw talaga ako sa libro na iyon, lalo pat noong binasahan ako ni ate Charry ng kwento mula sa bansang China, "ang huling pipino" ito naman ay kwento ni Sid at ng kanyang mga kapatid ng nagkaroon nang digmaan sa kanilang lugar, wala silang makain noon... At si Sid, bilang nakatatandang kapatid ay naghanap ng makakain nila at sya ay nakahanap ng isang pipino... At iyon ay kanilanh pinagsaluhang magkakapatid.
Naisip ko tuloy, napakasarap ng may kapatid ano? Ako, bilang bunso sa pitong magkakakapatid ay sayang- saya sa mga ala-ala ko noong kabataang ko sa piling ng aking nakatatandang kapatid, mga alaalang noon ay pilit kong kinalilimutan sa kadahilanang lagi nila akong kinakawawa ngunit sa paglipas ng panahon, ang mga alaala na iyon ang nakakapagpangiti sa akin.
Sa ngayon, naisip ko ang aking nag iisang anak, parang gusto ko na syang bigyan ng kapatid. echos!
Teka!abalik nga tayo sa title ng aking post... Baket nga ba "Ang Pipino"?
Dahil sa Pipino ko pinaglihi ang aking anak, na noong akoy buntis pa lamang malimit akong gumawa ng pipinong may suka, asin at paminta. Pinalalamig ko iyon sa ref. at kapag kakainin ko na.. Kalahati na lang ang pipino ko! Dahil nilalantakan na ng aking pamangkin na si Mark, hanep! Nauna pa sa buntis.
Gusto kong magalit noon, pero lagi ko naaalala "ang huling pipino ni sid" na pinagsaluhan nilang magkakapatid nung wala silang makain.
Wala lang... Na ishare ko lang hehe!
Sa mga nagtatanong, ito ng librong aking tinutukoy... Kung kasing tanda kayo ng ate ko.. Malamang alam nyo yan at ng mga napakagagandang kwento nito.
crazeemum
No comments:
Post a Comment