Friday, August 28, 2015

Ang Reklamo ko sa Bureau of Customs.

Hi Yah Mommies:-)

Musta na?  na miss nyo ba ako?

ako? syempre naman miss na miss ko na kayo at ang mag BLOG:-)

Kaya, umpisahan na natin....

Una,  Matunog ngayon ang Bureau of Customs ano? Dahil sa pinapataw nilang mga buwis sa mga package na padala ng ating mga mahal sa buhay mula sa ibang bansa.  Nabalitaan nyo ba yung batang umiyak sa custom dahil hinde nya nakuha ang laruang christmas gift sana ng tatay nya dahil sa mahal ang buwis na babayaran? E yung Gucci bag na Php16,000.00 ang buwis at etong huli yung Champion Filipina Boxer na humigit-kumulang na Php6,000.000 naman ang buwis?

Lahat sila ay kontrobersyal...  baket kamo? eh ang mamahal ng sinisingil sa kanila eh. Imagine... yung halaga ng BUWIS ay halos kasing halaga na rin ng loob ng package! (TOO BAD!)

Haiistt!!! kahapon, galing akong Philpost, inutusan ako ng boss kong kunin ang package na binili nya from US dahil eto daw ay FOR CUSTOMS EVALUATION.

To make the story short... ayun! nagpunta nga ako.. mga 8:30am, swerte ko.. kasi konti palang ang tao... ayun pinapila ako..
daming mag pipick-up ah!

 hinigian ng dokumento gaya ng.. Authorization Letter Tracking Numbers at photocopies of ID's...

verification ng documents

tapos binigyan ako ng NUMBER.
waiting.. waiting..
15, 15 ang number ko.. kapag tinawag ang number 15, it's my turn na bubuksan ang package ng boss ko in front of me.

O sya!!! edi sige.. hintay-hintay lang ako nun.. medyo matagal... pero natawag din naman ako.. So! turn ko na.. pumasok ako sa room...dalawa ang evaluator, isang babae at isang lalaki.. tinanong-tanong nila ako.. Ano daw yung item, Ano ko daw yung receiver at ano daw ang company namin.
Sumagot naman ako, at ang sabi ko "Mam, something na kinakabit yan sa computer, so computer parts:-), Amo ko po yung receiver at wala po akong company kasi Personal Assistant po nya ko:-)

Tapos, binuksan na nila ang item sa harapan ko, chinek chek.. at nagsabi pang baka daw kinakabit yun sa bomb! Lokong custom to.. mukha ba akong bomber? (Badtrip!)
eto yung package
tapos pinalabas na naman ako.. at pinaghintay... mga after one hour.. lumabas na ang babayaran ko.... P3,173.00... mahal ha?

swerte ko pa dito kasi 0% ang tariff code.. kung may percentage pa yan! patay na aabot din yan ng 6K!

 pero hinde yun ang ininda ko sa CUSTOM ok lang ako magbayad ng 3KYAW!!! kaso naman ang lupit nila ha... ang INIINDA ko ay ang sabihin nilang ako ay isang MAID:-)
Ang linaw eh.. ang nakasulat MAID!
ang sabi ko... CUSTOM EVALUATOR, isa akong PERSONAL ASSISTANT..

(tabi-tabi po sa mga maid  ha:-) love ko po mga maid  pero hinde po ako talaga ako maid:-(

       


crazeemum