Monday, March 4, 2013

My Portrait





Ako yan sa maniwala’t kayo o hinde. Ako talaga yan! Hehe! This is me when I was in college, Our neighbor who is a painter invite me to be his model (model daw oh! feelingera! hehehe) actually, pinagpraktisan nya ko, imagine for almost two hours nakatanga ako s bahay nila at ngalay na ngalay na nakatingin sa kanya.  

Nung matapos at ipakita saa akin. (ay! Parang ang haba ng baba ko – sabi ko sa sarili ko) pero syempre.. nagpasalamat pa rin ako at umuwi…. Nung makita ng kuya ko ang painting, sabi nya:  “haba baba! Ipatapyas mo yang baba mo!” hahaha.  (sabi ko na nga ba mahaba talaga ang baba ko sa painting na yun eh!) kaya... Bumalik ako sa kapit bahay at pinabawas ko ang baba ko (Belo?) binawasan nman nya… pagbalik ko sa bahay sabi ng kuya “bat mahaba pa rin?” hahaha! Laughtrip talaga… Yang portrait na yan nakalagay sa rhea’s gallery: 


sabi ni Jerome tanggalin ko daw yan at ang pangit daw ganon din ang sabi ng kuya ko, baket lahat sila sinasabi pangit yan. E gandang ganda kaya ako dyan! Mahirap kaya mag drawing, crapas kaya medium nya.. hirap I blend nun ha. (naks! Parang may alam eh no?) Nasan na kaya yung kapit bahay namin? Kung makikita ko lang ulit sya, mag po pose ulit ako. Hahaha!

O eto ang picture ko nung college, para maniwala kayo na ako nga ang nasa painting. 


No comments:

Post a Comment