Showing posts with label Family. Show all posts
Showing posts with label Family. Show all posts

Sunday, July 27, 2014

Realization of being a Stay-At-Home-Mom and a Housewife

Hi Yah mommies:-)

How are you?

Crazeemum is still alive and kicking! Hope everything's fine, ang lupit ng hagupit ni Glenda ano? Musta na ba ang mga kuryente sa Bahay Bahay natin? Sana ok na lalo na ang mga tubig. My tubig! Naranasan ko Talagang pumila ng more than 3 hours. Typhoon Glenda reminded me na I'm a mom na and I will do anything and everything for my son.

July 16, 2014 marked my 1st day of being a Stay-At-Home-Mom, I can say that YES! I can be a 100% mommy in the house, I can play with my crazeesun all day, I can be with his side always, I can give him a bath, accompany him in the CR when he pee and poo, then I realized na wala na pala akong nagawa sa maghapon... kundi samahan ang anak ko.  I forgot that I am also a wife nga pala! Naku!!! My son has a nanny, to take care of him...  baka mabaligtad ang mundo.. baka asawa ko na ang alagaan nya. Nyek!!!

Ay! nde tama eto:-)

So after a day of my being S-A-H-M . I woke up early and prepared sandwhich for my husband:-) at biniro nya ako "Housewife?"  I just smiled.. then... the day went na I am texting him always, "how are you" san ka na" aalis ka ba" "uwi ka agad" .. at biglang textback ng asawa ko.. "Huwaw! housewife ka na talaga!" Because It's not me. I'm not always texting my husband.. I'll let him.. kahit makipag inuman sya.. ok lang sa akin, wala syang curfew. In other words.. wapakels akong asawa! hahaha!!!  Nah!!! I just trust him so much...

Pero ngayong I'm a S-A-H-M parang I'm always bother na like, when he texted me last thursdays..."Maya maya na ako uwi ha" hala!!! then last Friday he told me "baka may labas kami mamaya ha" Naku! patay na! maloloka ata ako:-(

Being a Stay-At-Home-Mom and a Housewife is very challeging pala! mas mahirap pa sa General Manager ng Kumpanya:-)
the crazeefumily...

crazeemum

Friday, March 7, 2014

crazeemum: A day in a Mountain... ay! always in a mountain pa...

crazeemum: A day in a Mountain... ay! always in a mountain pa...: Hi Yah Mommies:-) I love family days.. and I love our simple life.. so one sunday afternoon.. We had this photoshoot... we dressed li...

Thursday, March 6, 2014

Eroplano #throwback



Limang taon ako noon ng unang makasakay sa eroplano...

Patungo sa lugar na kinalakihan ng aking ama...

Hinde mapukaw ang aking kaligayahan na makasakay sa eroplano.

kasama ang aking ama't ina.

sa pagsilip sa munting bintana...

Mga ulap na malalaki ang aking nakita

Niyakap ko ang aking ama...

at nagpasalamat...

sa pagtupad nya ng aking munting pangarap.... na makasakay sa eroplano...


Sa  mga nagdaang panahon... ako'y sumakay muli sa eroplano...

kasama ang aking ina

upang madalaw ang aking ama...



Salamat sa eroplano
na nagdala sa amin ng aking ina

upang makita muli ang aking ama

sa kanyang huling hantungan..


Salamat sa aking ina...


ang aking ina
sa pagmamahal na ibinigay mo sa aking ama..


salamat..

crazeemum




Sunday, March 2, 2014

A day in a Mountain... ay! always in a mountain pala:-)


Hi Yah Mommies:-)

I love family days.. and I love our simple life.. so one sunday afternoon.. We had this photoshoot... we dressed like hacienderas and hacienderos. and Our crazeedud grabbed his phone and 

dyaraannn!!!

Our little haciendero in our little farm with his white chicken..
hat-metro gaisano mall
top-gift from his friend, sam & shayne
shorts-shopwise
shoes-metro gaisano mall

With a baby chicken... 
ay! project

And here's the big haciendera with her little haciendero with the big white chicken!\
natural na natural


Then we went to the clubhouse to continue our kabaliwan (crazeefumilee nga diba?) Aw! so many people in the clubhouse...kaya  lakad lakad hanggang dulo dun sa walang tao!

o ayan ! nag feeling mowdel.. mowdel ng house!

In fairness... parang pro ang crazedud sa picture...




Aw! I love this... I love my crazeesun and his crazedud.. I love my crazeefumily...


# ILOVESIMPLELIFE



crazeemum

I want to cut my hair

 Hi Yah Mommies:-)

I must admit that Ethan looks is cuter with his curly hair. People notice him with this kind of hair but now, with his long curly hair, nakakairita na.....mukha na syang pugad ng agila.
last picture of Ethan's long curly hair
taken this am
This AM, when crazeedud woke up, Ethan went to him and said "Daddy I want to cut my hair" Kayai si crazeedud... ay naging barbero..


Look at Ethan's relax na relax pose:-)
 One sided?


Korean Star?

Smile....

And here's Ethan's new look!

aw! im so inlove with this boy

At ang pugad...hahaha!
Good Job! barbero!
taken by Ethan

crazeemum

Monday, February 10, 2014

Crazeemum Sunday Especial.

Hi Yah Mommies:-)

How's your sunday?

Mine was great!  The crazeefumily stroll around the village and saw the beautiful sky, I told crazeedud to stop the motorcycle to take a picture of this.

Cavite

Then, we went back to the motorcycle and saw this trucks.. Our crazeesun went crazzzzeeee... and asked me to take a picture of him.

Crazeesun! Wow! It's Billy Truck!
Crazeemum  :  Sino yun?

Then we went to the clubhouse and saw a couple in the dim corner... hinde ko na pinicturan! Hoy! mga gwardya.. wag tutulog tulog  mag roving roving din kasi pag may time!!! 

On our way home, we  saw this small snake in the street.

crazeemum  :  ahhhaaasss!!!
crazeesun  :  No! It's a big worm.

And In the shoebox house of us, I cooked spaghetti for dinner. 


Crazeemum :  kain na... kain na...
Crazeesun  : eat na... eat na...

Haiisssttt!


#simple life... #the best

crazeemum


Sunday, January 12, 2014

The Crazeesun Life.

Hi Yah Mommies:-)

If Crazeemum is back..

Papahuli ba ang Crazeesun? Of course not!  My crazeesun is turning three on February and he's growing up so fast.  Akalain nyo pati manok panabong ay gustong gusto nya?

Tingnan nyo...
o ayan! referree daw sya.

 Aba! at hinde talaga sya natatakot..... ako dyan ay panic na panic.. a.k.a OA na OA na...

nagagalit na ang mga manok!
crazeemum :  o baka matuka si ethan..
(dedma lang nila ako)
 Aba! kung makakilatis sa tatay nya.. este sa manok...


hayy.. buti nauto ko... nakipag sabayan naman sya sa mga bata sa kalye...(Ganayn ang lugar namin..masaya:-) Maraming bata eh:-)
sige...  laro laro lang.. kahit ang lamig lamig!
ayun si crazeesun oh!

Racing pa sila  oh...
1-2-3!!!
uy! si crazeesun.. nanguna na:-)
#simple life is beautiful

crazeesun

Saturday, January 4, 2014

nakakapagod ang mag alaga ng mga batang "english only" promise!

Hi Yah Mommies:-)

As usual, pagora na naman ang byuti ni Crazeemum, ang Girl Friday ko na buong akala ko ay babalik na bukas ay sa linggo pa makakabalik, sya na! sya na ang bakasyon engrande!  habang si crazeemum ay absent pa rin sa trabaho. kaya nag ka pending pending na ang mga year end reports ko! Hayaan na nga lang natin at kapag natanggal naman ako sa trabaho ay tigok din sya.

Teka alam nyo ba kung baket ako napagod ngayong araw?  Ayan oh.. nag alaga ako ng dalawang bata at na realized ko na nakakapagod pala ang mag alaga ng mga englisero! nyahahahay! ewan ko nga ba.. nde naman kami englisero... kasalanan yan ng disney junior lol!



ok na sana eh, kaso may nakigulo pa sa kakulitan ng  dalawa...




rafa   :  ethan, look at my paper airplane
ethan :  how about  my paper plane?
crazeedud:  give me paper rafa, I will make a piper bat.
crazeemum  :  ano? piper bat? 
crazeedud   : peyper bat!


maya-maya:
rafa  :  wahhh!!! wahhh!!!
crazeemum  : why are you crying Rafa?
rafa : Tita Rhea, he crumpled my paper airplane (sabay turo kay jerome)
crazeedud :  You're the first one who crumpled my piper bat.
crazeesun  :  It's your fault daddy!
crazeemum:  (nakita ko sa basurahan ang dalawang paper airplane at isang piper bat na gusot gusot na, ) baket ano ngyari?
crazeedud :  sinira nya kasi yung airplane namin ni ethan eh.
crazeemum  : (patulan ba ang bata, haaiist!)
rafa  :  it's your fault (referring to jerome)

Ay! natawa na lang kami ni Jerome, hirap makipag arument sa mga bata.. lalo na englisero:-)


crazeemum




Tuesday, April 16, 2013

Ako Waray!


Ako ay waray!

taas noo kahit kanino habang buhay!!!

kapag ako ay tumanda gusto ko manatili sa lugar ng aking ama! sa lugar na napakasimple  at hinde mo kailangan ng malaking pera upang ikaw ay mabuhay.

Ang ganda ng Samar, alam mo?

sa taas ng bundok

dapat lang ikaw ay huwag tatamad-tamad upang hinde mapunta sa kangkungan!

matutong magbanat ng buto!

maging isang litsonero
ang pamangkin ko ay isang litsonero
o kaya ay mag araro


baby baka at mommy kalabaw
o sa koprahan ay magtrabaho
ang pamangkin ko ay isang coconut pilot
o kaya'y maging sabungero

ang asawa kong sabungero

Tulad nitong kahit bata pa si Angelo!

uy! biro lang.. hinawakan lang nya ang manok for picture purpose lang!
masarap dito sa bahay kubo!

sa bahay kubo


Napakasarap dito

walang pakialamanan
paakyat ng bundok



sa pasyon na gusto mo
sa ilalim ng araw
Sarap mag emote
loka-lokahan lang

o kaya sisa-sisahan
pati nanay mo mapapa emote!


Ang simpleng buhay sa duyan
with our lola


ay tunay na kaligayahan


may time din for relaxing sa bukal na napalamig ng tubig galing sa bundok
basta tayo ay magtulungan
tulong tulong sa pagkatay. ooopppsss.. dapat may permit  na kinuha sa brgy.


sa pagpapayaman

ng ating sagingan
at niyugan


basta huwag kalimutan
ang syang lumikha
simbahan

ng gandahan ng ating kapaligiran

si ate 

si kuya

si kuya

at ako!!!
Kami ay Waray!

MABUHAY ANG MGA WARAY!