Thursday, June 27, 2019

Tula Para sa aking Asawa





Paggising sa umaga
Ikaw ang aking nakikita
Tila ay naiinis
Sa iyong mukhang hindi makini
s😋

Ako ay nagtataka
Kung bakit ikaw ang nakasama
Sa araw-araw mong buhay
Ito ay laging hayahay🤗

Ikaw ay laging masaya😁
Ako'y minsan malungkot
Sa iyong mga manok na alaga🐔🐓
Ako'y laging nakasimangot😤

Manok na laging hinihimas
Ako'y laging nababanas
Kaya ikaw ay minsan minamalas🤩

Ganon pa man...
Ikaw ay hinde nakakalimot
Masaya ang buhay
Hindi man mayaman🤑
Mayroon namang bahay🏡

Bahay na puno ng tawa
Mula sa ating pamilya na mataba👪
Ito ay naging makulay
Dala ng ating anak na hinde magulay🥕🍆🥦

Kaya lagi kong panalangin🙏
Tayo ay laging masaya👪
Sa hirap man o ginhawa
Tayo ay laging magkasama💗💗💗

crazeemum:



No comments:

Post a Comment