Monday, October 21, 2013

Sa aking mga ka opismeyts.

Hello Opismeyts!

Sana mabasa nyo to... sa aking mga ka facebook na opismeyts... Sana ay wag nyong baliwalain ang sulat kong ito.

Alam nyo ba na ang pinakamahirap na gawain ko ay ang gumawa ng memo? Hinde sa mahirap gumawa ng memo ha... kundi sa kadahilanang.... Masakit sa akin iyon... Sana naman... kapag napag sabihan kayo Verbally ng supervisor nyo, boss nyo, ng HR, o ng director please lang...... isalang alang nyo yan at huwag nyong balewalain.

Alam naman natin kung ano ang mga nakaatang na trabaho sa atin diba?  Gawin nyo naman yun... please lang... Hinde po ako SUPERWOMAN na handang sumalo sa inyo...

Kasi ako'y isang hamak na empleyado lamang.  Huwag nyo naman sanang sagarin ang aking kabaitan.  Gaya nyo, may trabaho din akong dapat gawin..... at tapusin, may deadlines din naman ako no.


Sana KNIGHTERs! mabasa nyo to... Wag masyadong DEMANDING kung pwede lang... umakto naman sa performance wag pa bibo...

baka MA ISTROKE!




nagmamahal,

rHed

No comments:

Post a Comment