Saturday, January 4, 2014

Ang Munisipyo ng Las Pinas. Bow!


Hi Yah Mommies:-)

January na naman! Uy!!! huwag kalimutan magbayad ng Amilyar ng mga lupain natin pati na rin ang mga renewal ng ating mga business!!!

Kaya naman si crazeemum ay nautusan ng aking mudra na magbayad ng amilyar ng bahay namin sa Las pinas, kaya GORA ako sa munisipyo kaninang mga alas tres ng hapon:-)

laspinas city hall
Excited akong makita ang munisipyo ng las pinas,  baket kamo? aba! nag su summer job kaya ako dito nung highschool pa ako. opo!. Yung SPES program yun  ng DOLE.

Sa pagpasok palang.. mala state of the art talaga! may separate lounge para sa senior citizen, pregnant at people with disability:-)  at mayron pang imahe ni Hesukristo.



Number system sila mga muthers:-)  Ayun oh! computerized.. ang galing...


Then, wait mo lang yung number mo na ipa flash sa monitor...  at meron din silang camera ha.. 16 cameras yun ha...

O diba  ang ayos ng sistema:-) lahat ng transaction nasa ground floor lang.. walang akyat-baba! nde naka stress:-) 



Habang hinihintay ko ang number ko, nag-ikot ikot ako kasi gusto kong  mag kape.. nde ko naman makita ang termos!!! eto lang ang nakita ko...


huwaw! not one, not two but three water dispenser!!!

at ng makita ko ito.. naisip ko... #maiblog nga #bright ideas

                                                 


E nde ko makita ang kape... so inisip ko.. baka wala ng libreng kape.. kaya umupo na lang ako at mega wait ang number ko.

Pero baket etong si ate, may kape?


Naisip ko,(ay! ok lang, mainit naman.. ayoko na ng kape) kaya nagmasid masid na lang ako sa aking kapaligiran:-) at nabaling ang tingin ko kay "sir"


inaayos nya ang bagong biling electric fan...  (sya ang nag ayos ha) nde yung maintenance na kasama nya.)  at narinig kong sinabi nya "May apat pang darating ha... ikaw na bahala maglagay dun...dun...dun.. at dun...

Ay! panalo ang mga empleyado ng munisipyo! pinaghandaan ang pagpasok ng 2014.  may split-type aircon na nga.. may mga electric fan pa... at kung mapapansin nyo ang waiting area.. ang gaganda ng upuan.. nde monoblock chairs. at ang mga empleyado down to earth. nde gaya ng ibang empleyado sa ibang munisipyo kala nila sila ang Mayor. hahaha!

Tapos.. aba! may free wifi:-) kaya post agad ako ng picture sa FB ko;


with caption:
"Ang mahal kong Las Pinas, napakaganda ng munisipyo,malinis, at maayos na sistemA. Wala akong masabi sa serbisyo, libre tubig, kape at wifi. Sana maging inspirasyon kayo ng ibang siyudad."


At.. It's my turn na:-) 

o diba.. tuloy-tuloy ang serbisyo

at pagtapos ko... umikot ulit ako.. at nakita ko may starbucks sa loob ng munisipyo:-)

Dyarrraannn!!!


Ay! mali:-) Yan pala ang coffee bar ng laspinas city hall:-) kakaaliw naka uniform pa ang nag seserve...  at take note, BREWED COFFEE ang sineserve! s#Soshyal  

Kukuha sana ako eh.. kaso.. dapat pala my que number ka... pag wala kang que number walang kape!  Matalino rin ang Las Pinas... baka nga naman may mapagsamantala..  kaya! nde na ako humingi:-)

30 Minutes! tapos ang transakyon ko:-)  

.. At ang pinaka g gustong-gusto ko sa Munisipyo ng Las Pinas... Very accessible...  nasa main road.. katunayan nga naglakad lang ako papauwi sa bahay ng mudra ko:-)  nde gaya ng iba dyan... sasakay ka pa ng tricycle bago makapunta sa munisipyo nila.

haayyy!!! Mahal kong Las Pinas:-)

crazeemum

No comments:

Post a Comment