Friday, May 30, 2014

Si Junior

Hi yah Mommies:-)

Musta na? Miss ko na talaga ang mag blog, ewan ko ba muthers, tuwing uuwi nalang ako galing trabaho... daig ko pa talaga ang nag jogging, sobrang... pagod na pagod ako at antok na antok na... dala na nga ata ito ng "Katandaan" OUCH!

Sa totoo lang muthers, wala ako sa wisyo sa mga panahon ngayon at sobrang busy ko ngayon, buti na lang at outing namin bukas, at panandalian kong makakalimutan ang trabaho... kaya nga pag uwi ko ng bahay kanina at nalamang tulog na si Ethan ako ay nakasilip sa TV... May bago palang ipapalabas na  teleserye si Bea Alonzon ngayon at mukhang interesting... habang ako ay seryosong nakatunganga kay Bea... biglang...may nagsalita ng..(high volume)

                              ?????               :            "ATE MAY KANIN KAYO?"
           
Lumingon ako sa likod ko at ibinaling ang tingin sa pintuan naming nakabukas.. wala akong nakita... o naaninagan mga 9pm na kasi nun at malabo ang mata ko.nang biglang....

                           Ako                   :            kumabog ang didib ko ***t!!! nagulat ako! daig pa ng reaksyon ko kanina ang reaksyon ko nung highschool ako kapag nakikita ko ang CRUSH ko! Alam nyo ba yun ha? yung feeling n parang kumikirot ang dibdib mo at para kang aatakihin sa puso o mahihimatay dahil nakita mo ang crush mo?  Anyways, si Junior ang nakita ko, si Junior ang kapit bahay naming parang may tiling-tiling...Hoy! hinde ko sya crush no.  nagulat lang ako kasi hinde ko sya maaninagan gawa ng kasing kulay nya ang dilim ng gabi.

                      Ako                    :              kumuha ng kanina sa rice cooker at iniabot kay Junior

                     Junior                  :               Ulam?

                     Ako                    :               Wala kaming ulam, inubos ko na (talaga namang naubos ko ang ulam)

                    Junior                   :                padagdag naman ng kanin.
           
                    Ako                     :                dali dali kong dinagdagan ang kanin.. inubos ko na ang lahat ng kanin sa ricecooker para matigil na si Junior.

Yun nga!!! natigil na sya at umalis... nakita ko pumunta sya sa isang kapit bahay.. baka dun naman sya hihingi ng ulam:-) hahaha!Hay sana wag na syang bumalik sa amin.. baka tuluyan akong mahimatay... pano naman. panalo si Junior sa titigan,,, minsan nga nakipagtitigan ako sa kanya.. grabeh ha!!! nde nakurap!!! ang laki-laki ng mata nya.


O sya...  next time ulit Update ko kayo sa kwento ni Junior:-)

crazeemum

Monday, May 12, 2014

DIY Monopod

Hi Yah Mommies:-)

SA kadahilanang.. ako'y sobrang naaliw at natuwa sa monopod.  at nde ko kasama si Ethan sa Birthday celebrations ng aking mga pamangkins..

Ako'y nag-isip.. at syempre dahil sa malikhain at malikot na  pag-iisip ni crazeemum... ako ay nakapa DIY ng MONOPOD! yehey!!! (sabay saboy ng confetti)

Una, mag libot-libot sa tambakan ng inyong bahay... at kapag may makitang pwedeng gamitin,.. gora na!!! kuhain mo na ito... dahil baka mapunta pa sa kalakal.

And here's crazeemum's Monopod Version..

1.  handle ng walker ni ethan, obviusly.. naglalakad na si Ethan at nakakatakbo na.. kaya nde na namin ito nagagamit, kaya.. gawing selfie stck na yan!
2.  Scotch Tape
3.  headset... dahil walang timer ang IPhone... headset ang gamitin mo for clicker... (pwede yan!)
4. pero kung may timer ang phone nyo.. pwedeng no need na sa headset... kailangan lang,,, mabilis ang kamay mo at alisto sa pagngiti sa pagkuha ng selfie shot.


O Ayan!!! palibutan ng sandamakmak na scotch tape ang telepono mo... para nde mahulog.



O ayan! pwede ng itry...

sa kutson muna.. baka kasi mahulog ang Iphone! patay tayo nyan sa asawa natin. hahaha!


KApag mukhang matibay na!!


GO! SELFIE NA!!!


#Ang Saya-saya!!!

crazeemum


A day with ethan on mother's day:-)

Hi Yah Mommies:-)

How did you celebrate your mother's day?

Mine was just a simple bonding with my little ethan... and I really enjoyed this day.

Look!

He looks like he love kite...


So I taught him how to hold the lace properly..

Nakuha naman agad... 


Aba! pa cute pa si ethan:-) Baket kaya.. mag sasarangola lang eh..


Ay!!! Nag seselfie pala...


What a Great Idea!!!!

DIY monopod!!! #SelfieAdik!!!


Hahaha!!!

crazeemum



Crazeemum's Super Selfie Version:-)

Hi Yah Mommies:-)

Remember my post about selfie?  #GGSS or Gandang-ganda sa sarili? and no flter selfie shot?

Ay!!! May bago na naman palang pauso ngayon...

Dyarannn!!!

selfie using monopod
According to www.dailymail.co.uk, Monopod or Selfie stick, pictured, work by holding the camera in landscape mode, with the screen facing the photographer. Buttons on the handle of the stick are used to control the device. Some monopods manually press the shutter button on the side of phone using an arm, or similar. Others connect remotely via Bluetooth

Ay! pwede pa daw ma focus... Trulalu.. gaya nito...


                                           
Pwedeng maikli lang ang stick...

                              
Pwede ding mahaba

babala: mag ingat lang.. kasi dito.. muntikan ng mabasag ang ilaw sa Vikings
Ay! talaga namang nakakaadik..

umaanggulo!                    
derecho ang tingin
ayun!!! medyo itaas pala!!!
Ay pati ang mga kabatan.. nag enjoy...


Talaga naman kasing ang saya-saya!

                                      
                                       
                                        
O eto.. sumeseryoso naman..


Huwaw! pagwapo pa sya!

                                   
Hinde nyo kami masisisis.. dahil...

pati ang mga matatanda... ay nag-eenjoy!!!

HAHAHAHA!!!
O ayaw pa paawat ng isa.. may camera na uy!!! no need for  selfie shots!


Pero!!! Eto talaga ang panalo... magaling humawak ng monopod!!! nde kita ang stick!

PROFESSIONAL!!!!
Hahaha!!!

Ay! kaka adik!!!! bibili ako nyan!!!


crazeemum

Happy Birthdays!!!

Hi Yah Mommies:-)

My two nephews celebrated their birthdays! Mark and Intoy:-) And they treat us in Vikings! Yehey!!!

This is Intoy wearing his birthday sungay!





And this is.. Intoy ulit, blowing their cake from Vikings.



Sa mga nagtatanong kung nasaan si Mark. Kasalukuyan po syang naghahanap buhay sa ibang bansa. Pero! Pero! Pero! May ambag sya dito... Kaya! Happy Birthday Mark! hahaha:-)

And this is US!!!  

Meet my ka Pamilya:-)


#Happy Birthday Ingtoy and Mark:-)

We Love You!



crazeemum

Sunday, May 11, 2014

Mother's day

Hi yah mommies:-)

It's our day today!!! So hubbies, treat us so special today. Please! Wake up early and prepare breakfast and dont let us do household chores. Make effort naman! Once a year lang naman ang mother'a day. Oooopppps.. Wala akong pinariringan ha... Kathang isip ko lamang ito, kung feeling mo ay pnariringan kita. Guilty ka! Hahaha:-)

Happy mother's day mommies:-)


Mommies:-) inuman na!!!

Monday, May 5, 2014

Puregold Dutyfree


Hi Yah Mommies:-)

Last week, An officemate and I went to Clark Pampanga to attend seminar about the new memo issued by the Department of Finance with regard to Importers Accreditation in Bureau of Internal Revenue (BIR) aka. Revenue Memorandum No, 10-2014.

We arrived in Clark at 10:30 am, too early for 1:00PM seminar and my officemate asked me if I want to go to Puregold. "Ano naman gagawin natin sa Puregold? Ang dami daming puregold sa Maynila" E He insisted na ibang Puregold daw yun.. Puregold dutyfree nga daw at mura daw ang tinda..

O sya... Sige nga...

Hala! Pagpasok palang namin... Tila namulaklak ang aking mga matang Kumukuti-kutitap pa!!!  Bigla kong naisip... Parang SNR ahhh.. at nakita ko ang san damakmak na mga plato, bedsheets,sabon,mga pagkain...at maraming-marami pang iba!!!

Hay!!! naisip kong bigla... magpicture picture... pero ng makita ko ang Spam Tocino. Boom!!!  rila yata nawala ako sa sarili...

                                         


 At naglakad lakad ako .. at sa kakalakad lakad...

eto ang mga nabili ko!
total damaged:kulang kulang Php2,000.00

My favorite on my loot, Corelle plate, I bought this for Php199.00 at B1T1 as in Buy 1 Take 1. Winnner!!!



And my second favorite best buy.. Herr's Cheese Curls.. na tinago tago ko sa anak ko.

While daddy's sleeping and Ethan's busy playing. I will eat Herr's. #walangkaagaw(IG account)

Pero.. wais talaga ang anak ko.. Magaling maghanap!
Ethan found again my herr's... Omg! (IG account)

cute lang... #workisfun#salamatsatrabaho

huma hash tag lang ang peg:-)

crazeemum

Sunday, May 4, 2014

Crazeemum is Top93 in Topblogs. Salamat po:-)

Hi Yah Mommies:-)


Thank You! Thank You! For making Crazeemum Top 93. For me, Big time yun ha!  Especially now na hirap ako magblog due to too much workloads. Imagine for April I only had 7 posts, unlike for the previous months na hitik na hitik ang utak ko sa mga ideas or subjects to blog.

Actually I have a lot of subjects in my mind but I don't know why I cannot start a word to make a blogpost. Maybe My mind was so tired, ang dami damin ko kasing iniisip... In my post here, I told you what's on my mind. 

Pero when I checked my blogger account tonight and saw this.

                                      

Crazeemum is top 93!  (Paulit-ulit) sorry naman mommies... masaya lang talaga ako.  I know I am Over Acting pero for me, Iba to muthers. before kasi twice or thrice ako mag post in a day... but still  nasa Top 170 ako sometimes Top 190... or Top 140... But now, for 7 posts in April.. and 0 posts (as of now) in May. I am Top93.  Sino ba  ang hinde mapapatalon dun diba?  Now I realized hinde pala sa paramihan ng posts ang pag boblog kundi sa sincerity ng isang blogger, kung ano ang nasa puso mo ayun ang isulat mo.
wag yung makikipag away ka.. or makikipag kompetensya ka.

God is good talaga, alam nya when someone's down, He will make sure talaga na matulungan ka nya. 

Again. Thank you Thank you so much... 

                                                
crazeemum