Hi Yah mommies:-)
Naku! Patawarin nyo ako at hinde ako masyadong nakakapag
update sa aking blog, hayaan nyo babawi ako ngayon....
Yuff! Yuff!! Ngayon… babawi ako ngayon at hinde ko ito
mapapalampas..
Patawarin nyo ako at tila ako’y nagmumurang kamatis.. (What a
term, nakakadiri!) hehehe.
E pano naman hinde ko talaga mapigil ang aking pagkakilig
kay
James Reid… Peksman!!! Ang huling kilig ko sa artista ay nung highschool pa
ako.. at ito ay kay Eric Fructouso… Pero syempre… hanggang ngayon kilig pa rin
ako kay Bamboo, (syempre hinde counted yun dahil hinde naman artista si Bamboo
diba?
Anyways, iba talaga ang ngiti ko kapag nakikita ko si James
Reid…. Para bang gusto kong bumalik sa pag ka highschool at mainlab ng bonggang
bongga! Kaya nga pag nakikita ko si James
Reid ay malimit kong maalaa ang aking crazeepartner! Hay!!!
O sige sige.. panoorin nyo to.. Sabihin nyo sino ba ang hindi kikiligin sa
kanya diba?
Oi! Wag nga kayong malisyosa… pangarap ko lang kasing maging ganyang kapogi
ang aking crazeesun.. kaya nga sinabi ko sa kanya kagabi nung ni you youtube ko
si JAmses Reid… “ Ethan, I want you to be like James Reid when you grow up”
Ethan: (tiningnan si
James Reid) at sinabing.. But I don’t know how to dance.
Sa isip isip ko.. ieenroll ko talaaga anak ko sa dance
lesson… Pangako ko magiging heartrob ang anak ko pag tuntong nya ng highschool!
Na...Na...Na...Nakakataranta talaga siya:-)
KAyong mga taga cosmo! Baket kasi may butas ang stage nyo!!!
Kapag napilay yang si James Reid.. naku! DON’T TALK AND YOU’RE
DEAD!!!!
Eh kanino ba kasi natataranta si James Reid….
Ahhh… baka kay Jake Cuenca!