Thursday, September 25, 2014

James Reid Natataranta?


Hi Yah mommies:-)

Naku! Patawarin nyo ako at hinde ako masyadong nakakapag update sa aking blog, hayaan nyo babawi ako ngayon....

Yuff! Yuff!! Ngayon… babawi ako ngayon at hinde ko ito mapapalampas..
Patawarin nyo ako at tila ako’y nagmumurang kamatis.. (What a term, nakakadiri!) hehehe.


E pano naman hinde ko talaga mapigil ang aking pagkakilig kay 

James Reid… Peksman!!! Ang huling kilig ko sa artista ay nung highschool pa ako.. at ito ay kay Eric Fructouso… Pero syempre… hanggang ngayon kilig pa rin ako kay Bamboo, (syempre hinde counted yun dahil hinde naman artista si Bamboo diba?

Anyways, iba talaga ang ngiti ko kapag nakikita ko si James Reid…. Para bang gusto kong bumalik sa pag ka highschool at mainlab ng bonggang bongga!  Kaya nga pag nakikita ko si James Reid ay malimit kong maalaa ang aking crazeepartner! Hay!!!

O sige sige.. panoorin nyo to..  Sabihin nyo sino ba ang hindi kikiligin sa kanya diba?




Oi! Wag nga kayong malisyosa…  pangarap ko lang kasing maging ganyang kapogi ang aking crazeesun.. kaya nga sinabi ko sa kanya kagabi nung ni you youtube ko si JAmses Reid… “ Ethan, I want you to be like James Reid when you grow up”
Ethan:  (tiningnan si James Reid) at sinabing.. But I don’t know how to dance.
Sa isip isip ko.. ieenroll ko talaaga anak ko sa dance lesson… Pangako ko magiging heartrob ang anak ko pag tuntong nya ng highschool!

Na...Na...Na...Nakakataranta talaga siya:-)



                                   
KAyong mga taga cosmo! Baket kasi may butas ang stage nyo!!!

Kapag napilay yang si James Reid.. naku! DON’T TALK AND YOU’RE DEAD!!!!

Eh kanino ba kasi natataranta si James Reid….

Ahhh… baka kay Jake Cuenca!



crazeemum

No comments:

Post a Comment