I have a confession to make!
Since Friday, Crazeemum was so tamad to do household chores, Actually last Friday I have plan to process some documents but failed to do. Ang salarin...
Nag start lang naman ito ng mapanood ang trailer nitong.. Talk Back and your dead... na cutan kasi ako sa loveteam nila...(Pagbigyan na! ganyan talaga ang mga bakasyunista a.k.a Stay at Home Mom.. huma hayskul lang ang peg!)
Aba! Nung tinayp ko ang Talk back and your dead... lumabas din ang Diary ng Panget full movie...
So pinanood ko sya....Aw! nakakakilig.. lakas maka highschool ng feeling... parang maaalala mo ang mga memories mo nung highschool nung nagka crush ka sa mga gwapong mga boys sa campus. OMG!!! RELAY na RELAY!!! o RELATE na RELATE!
E sino ba naman ba ang hinde kikiligin kay James Reid? E sino ba namang mag aakalang gaganda ang katawan nya.. as in yung may abs... E nung napanood ko sya sa PBB noon... ang payat nya! Sakitin pa nga sya noon tapos muntikan pa ngang hinde makabalik sa bahay ni kuya nung maospital.
Sa totoo lang, naalala ko ang aking DIARY NUNG HIGHSCHOOL... hahaha! dali-dali ko syang hinanap at binasa... tulad ni Eya (bidang babae na panget) mahilig din ako magsulat.. at ang una kong sinasabi non ay.. Dear Diary... HEY JUDE!!!! bwahahaha!!! pero baket ganon? Ni isang pangalan na schoolmates ko ay wala akong naisulat noon... Ay ang lungkot! wala ata akong naging crush na #Perpetualite nung mga panahong '95.
At ngayon ko lang talaga.. napagtanto na Si Bamboo Manalac talaga ang aking Ultimate crush... hay!!! sa halos lahat ng pages ng diary ko... kung hinde bamboo.. Rivermaya lang ang nababasa ko.
2pm na nung friday, hala... nag lunch muna ako.. tapos you tube ulit... tinry ko yung She's Dating a gangster... maganda daw kasi yun eh kaya na curious ako...
ay! nung una.. nde ata ako natutuwa... parang ang corny. Go sexy! Go sexy! Go Sexy! Sexy Love!!! Pero nung makita kona si Dawn Zulueta pala ng partner ni Goma. Ay! Patay na!!! lalo pa akong napaluha nung nag salita na sya!!! Hay!!!! nakaka Throwback talaga ng #Hihintayin kita sa langit!!! (peyborit movie ko kasi yun)
Tapos nakita ko rin to... Syempre no.. pinanood ko... Nabasa ko kaya tong book ni Bob Ong!
Hala!!! sobrang relate na relate ako... yung mga soundtrack panalo!!! as in... yung naglakad si vandolph,meg at jericho... dahil hinde sila nasundo ng mga sundo nila afetr class.. Panalo! nagawa ko yun.. kasama ang kaibigan kong si Claire Castuera at kapatid nyang si Anlo Castuera.. kasi nakalimutan akong sunduin ng tatay ko.
Pero hinde naman ako na pa pupu sa palda ko.. pero may naaalala akong kaklase kong napupu.. nakalimutan ko nga lang ang pangalan nya:-) wink!
Toto naman.. nung highschool naman talaga natin naramdaman ang unang pag-ibig (IW! landi-landi) hahaha! Nung nag JS ako! aw!!!! "King and Queen of Hearts" at "Got to believe in Magic" Hayyy!!! Hayskuls life:-)
Jerome: Hay naku! wala ka na nagawa ngayong araw, kahapon ka pa nanonood
ako : hinde ako nanonoo no! ( naguupdate lang ng blog:-)
ako parin: alam mo na miss kita
Jerome: baket?
ako parin : kasi naalala ko pa noon nung hinahabol habol mo pa ako..
Jerome: (tumawa ng malakas) hinde kita hinabol no!
ako parin: hinde ba? baka iba yung humahabol sa akin noon.
NYE!!!
crazeemum