Monday, December 30, 2013

#pagpag (not a movie review) It's just a Sabong Day!

Hi Yah Mommies:-)

I've just post a reminder that tomorrow is a gambling holiday. I am not so sure if my husband who is a confessed sabungero knew this.  BTW, He woke up early today at mega gulat ang crazeemum when I went down.. aba! may manok sa sala! anong ginagawa ng manok sa sala namin???

Okey. gets ko na. Magsasabong ang asawa ko.

Magwawalis sana ako eh.. kaso naalala ko.. bawal magwalis pag magsasabong kaya umupo na lang ako... Nagulat na naman ako... ng biglang nagpapagpag ang asawa ko ng pera sa manok. Ang weird!!! hinde naman kami nagbebenta ng manok, o baka nagbenta sya at unang kita nya ang perang pinapagpag nya.  Naalala ko na naman..baka pampabwenas yun.. Hay!!! gusto kong tumawa ng malakas!!!  Humalakhak.. buti na lang at napigil ko ang munting bunganga ko.. baka matalo sya ako pa masisi!!!

After 3 hours. He's back! dedma lang aketch, "nanalo kami' dedma lang ulit ako.  "eto panalo ko oh" Ay! mega gulat ako.. "isang sakong bigas?"

May seremonyas na naman syang ginagawa.. ano bayan!!!



crazeepartner: Picturan ko?
crazeemum:     ano bayan!
crazeepartner: blog mo na!
crazeemum:    nyek!
crazeesun  :    kawawa naman chicken
crazeemum:    narinig mo?
crazeepartner :oo(then dedma na)


O eto pa... pahabol pa na picture ng bayaw ko... Pang facebook nya ata:-)


BIL and the manok
O operahan na yan! 

Maya-maya:

crazeepartner:   bili ka bigas
crazeemum   :  baket?
crazeepartner:  wala na tayong bigas eh
crazeemum  : e ano yan? (sabay turo sa sako ng bigas)
crazeepartner: ay! oo nga pala!

Maya-maya na naman habang ako ay nagsasampay ng nilabhan ko:

crazeepartner: nag blog ka na?
crazeemum   :   hay naku! dami ko pang gawa!
crazeepartner: punta tayo tagaytay bukas
crazeemum   : maya blog na ako:-) hahaha!

O ang saya-saya nya diba?

Wag lang talaga na pag gising ko sa umaga ay katabi ko yang manok mo! kakatayin ko talaga yan!

crazeemum

No comments:

Post a Comment