Tuesday, July 29, 2014

What's wrong with my outfit?

Hi yah 'Mommies:-)

Katatapos lang ng SONA ngayon, aminin natin mga muthers, pag may SONA ang isa sa mga inaabang abangan natin ay ang mga Ternong isusuot ng mga senadora, kongresista at Iba pang panauhing pandangal.

Malamang, iisang pasyonista ang tumatak sa ating isipan ng makita natin ang Terno nyang suot... I'm sure napa... Huh! Ka ng makita mo sya!

                                                


Ayan nagsilabasan na naman ang mga bashers ng senadora. Ang sabi nga nya "sabi ko nga, let's move on sa damit. sa sobrang dami nang problema ng ating bansa, po problemahin pa ba natin yung suot ko na damit?"Baket? Ano ba kasi baket nga ba hinde tayo maka move on sa outfitey Nya ha? 

Nagmukha daw kasing shrek...

                             





Naku senator! Talagang kaprob le problema yang damit Mo...Hinde pa po kasi halloween....

Wag naman kayong ganyan, ayon sa senadora...ang konsepto at disenyo ng kanyang  Terno ay collaboration ng malikhaing isip nya at ni Randy Ortiz..

E ano Ito?
                            

Lagot Kay Kay Ma...Ri...Mar... aw! aw! aw! aw!

Kay Tiya Corazon palang design yan eh!

Teka... May sinabi pa pala ang senadora "sabi ko nga eh, dapat pala nagpunta ako sa clark ngayon eh. Diba dun lagi may hot air ballon Festival?"

                      


Ikumpara ba sa hotair balloon? Nakakaloka!

Naku! Senator... Okay lang kahit hinde kayo makapunta sa clark...

Mwapapakinabangan nyo pa rin ang damit nyo.

BONGGA!
                   


Walang bodyguards!

Pagkatapos  na pagkatapos ng SONA lumipad na si senator pauwi ng bahay nila. In fairness no need for carlalu!

Note: pictures were grabbed from fb and manila bulletin.

crazeemum

No comments:

Post a Comment