Monday, December 16, 2013

Sa aking mga kapatid:-)

Hi Yah Brothers and Sisters!

I'm so excited. Yebah!!! Christmas na naman.. dami na naman ako regalo:-) Kaya sa aking anim na kapatid ako ay nanawagan.. alam nyo naman na ako ang pinaka dukha sa atin.. kaya ako ay namamalimos ng kakarampot nyong biyaya. Aw!

Naalala nyo pa ba nung tayo ay bata pa.  Lagi nyo akong binabalagoong!!!  Sa dalawa kong ate, diba? naglalaro tayo ng tagu taguan.. tapos ako lagi ang taya, "pagbilang ko ng sampu.. nakatago na kayo..." isa...dalawa..sampu!  Wahhh!!! nagtatakbo na kayo... iniwan nyo na ako.. dahil manonood pala kayo ng sine sa Manuela.

Tapos pag nagbebenta tayo ng bote at dyaryo.. nde nyo ko binibigyan... kung bigyan nyo naman ako ay singkong bulaklakin lang! parang feeling ko non ay wala akong kakampi! huhuhu...

Si kuya Tophe na parang may sariling mundo, laging hawak ay text,magic cards.. at nakatutok sa computer, si kuya boyes na walang inatupag kundi ang manligaw sa mga boarders ng kapit-bahay, si kuya joey naman... walang sawa ang pang aasar sa kin at si kuya andy na lagi naman akong sinasama kapag inaarkila ang kakarag karag nating jeep!

Hay!!!  Kaya nung ako ay nagdalaga... natutu na rin akong lumaban.  Sa kuya Tophe ko na sinulatan ko nung highschool ako at hinulog ko pa sa post office..at nagpanggap na ibang babae... hahaha!!! kilig na kilig ka noon, akala mo ay may admirer ka.. eh ako lang naman yun! (ngayon alam mo na na ako si... Czarina Magdangal!) bwahaha!!!

Kuya Boyes, naalala mo ba ng may tumawag sa yo sa Nidec.... at sinabing ang gwapo-gwapo mo!!! Naman!!! ako yun!!! ako yun!!!

hahaha! ang sarap sarap talaga balikan nung bata pa tayo! akala nyo ha.. inaapi api nyo ako! ang nde nyo alam ako ang tunay na nang-aapi!

Kaya nga ngayon pasko! miss na miss ko na kayo, diba? tuwing pasko.. sama sama tayo lagi:-) kahit kaunti lang ang handa natin... masaya tayo.. ika nga ni tatay "MAG-ARAL MAIGI para araw araw ay lechon manok ang ulam natin"  Masaya ako para sa ating lahat... kasi. kahit papano ay nakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw.  Pero alam nyo ba na hindeng-hinde ko ipagpapalit ang mga alaala ko sa inyo.

kahit minsan, uuwi ako na wala ng ulam... kasi inubos na ni kuya andy dahil gutom na gutom sya galing sa pag gy gym!

tapos tuwing umaga... ang uniform nyo ay pinalantsa na ni nanay... at may gatas ng nakatimpla para sa inyo.. Tapos ako.. walang gatas! huhuhu! Tapos ako pa mgapapalantsa ng school uniforms ko. huhuhu (kawawa talaga ako nung bata ako)

Tapos eto pa.. naalala nyo pa ba. nung kinuryente ko si kuya joey, gamit ang aking kamay.. at ng patay-patayan sya? Pinalayas nyo ako nun.. sabi nyo"Lumayas ka! pinatay mo si kuya joey" takot na takot ako nun.. akala ko talaga napatay ko si kuya joey, kaya nag impake ako.. buti na lang at nagising si nanay!!! at pinagalitan kayo at sabi sa inyo "Ang titigas ng ulo nyo" tapos sinabi ko ke nanay. "Nay, lahat naman tayo matigas ulo.. pati nga ikaw eh".

O Ayan! pasko na. excited akong makita kayo sa pasko!  Naalala nyo pa ba nung kinkuha ko ang garland ng christmas tree natin non.. at kakanta ako ng.."I AM WHAT I AM... I WANT A TUTUBI!" hahaha!!!

kasi bata pa lang talaga ako.. pinangarap ko na talagang mag suot ng mga feathers! feathers! kaya nde talaga ako tumigil...at idol na idol ko talaga si Ate Lumen
sa kanyang kagandahan:-) kaya nga.. nde na ako nagpagil pa at.. natupad din ang aking munting pangarap:-)


At nakasungkit rin ako ng Sash!!!  at dahil idol na idol ko si Ate Lumen ko nilagay ko talaga yan sa likod ng pintuan namin :-)

                                    

MERRY CHRISTMAS MGA KAPATID:-)

crazeemum

No comments:

Post a Comment