Friday, August 16, 2013

A Letter for my Crazeepartner

Hi Yah Mommies,

I am so inspired to inspired to write a letter today.

I have one for my craze partner.

To Jerome,

Dad, why are you sleeping like an oil today? Haven’t I told you time and time again not to play basketball on weekdays? Remember that you’re not young anymore, your old enough para makipagsabayan sa mga bagets….

Haissstt!!!

So I went here in the office commuting and riding a jeepney. Walastik! Ang pang waluhan  na upuan ay nagging pang syaman na ngayon.  Alma kong pang waluhan lang taiga yun, may pampasaheriong jeepney kaya kami non. Badtrip!  Huli pa ako sumakay, kaya ayun… nanginginig ang tuhod ko ngayon, daig ko pa ngayonang nag basketball.

Kapag yumaman tayo, Please promise me to buy a pmapasaherong jeepney exclusive for me, para hinde na manginig ang tuhod ko.


And speaking of Promise.. I listed down all the promises you made a long…long…time ago.  I want to refreshen your mind at sana ay …
  1. Please change our shower in the bathroom, gaya mo matanda na rin ako, sumasakit ang aking balakang sa kakayuko para sumalok ng tubig sa balde tuwing maliligo ako at alam mo ba? pati ang gripo natin ay malapit na ring masira? Paano na kung pati iyon ay masira? Saan ako sasalok ng tubig pampaligo? Sa Inodoro?    
  2. Yung 2 frame na binili ko para sa Rhea’s Gallery hanggang ngayon hinde pa rin nasasabit at nakapatong lang sa freezer, kaya hinde ako makagawa ng yelo na pambenta sana sa ating mga kapitbahay, mahirap magbukas at magsara ng freezer kapag may nakapatong.  Sayang din ang kikitain ko dun no!
  3. Nagpapasalamat naman ako sayo dahil nakapag first coat ka na ng pintura sa kusina natin, (YEHEY!) pero sana naman bago mg tatlong taon si Ethan ay nakapag finishing ka na!
  4. Hanggang ngayon, Super kalan parin ang gamit natin sa pagluluto, Naawa na nga ang kaibigan nating si Ed at binigyan tayo ng regulator para daw mapalitan na natin ang super kalan (poor opuras Hahaha) Hihintayin mo pa ba na bigyan pa tayo ni Ed ng GASUL?

Sana kahit isa dyan ay maaksyunan mo na... lalo na walang pasok sa wednesday at mahaba ang weekdays sa susunod na linggo...



kain ka na lang ng kain pag nasa bahay ka:-)

Nagmamahal,

Crazeewifey mo


No comments:

Post a Comment