Hi yah mommies:)
Working moms and dads! i want to share this to you.
When I was still young, I remember my dad always buy me pasalubong. at sobrang saya ko lagi noon, minsan cake, mais, andoks litson manok.. huwaw!!! ang sarap!!! lalo na pag nananalo sya ng sabong grabeh!!! parang binili ang buong FERNANDOS (an old supermarket in Las Pinas)
Kaya nung ako ay naging nanay na... na adopt ko ang ugali ng tatay ko. kapag umuuwi ako ng bahay, talagang binibilhan ko si ethan ng pasalubong... kahit ano lang din, basta may pasalubong.
napansin ko... how much ethan appreciates my pasalubong... he will say " HUWAW! thank you mommy" nakakataba talaga ng puso.
kaya.. minsan, pag nasa mall ako... bibilihan ko sya ng laruan na mumurahin lang at ipapabalot ko... diba? libre lang naman ang balot.. at napansin ko..lalo sya na eexcite!!!
kaya nung sweldo.. binilhan ko sya ng 3 regalo... at pinabalot ko isa-isa..
|
ang sabi nya dyan. "mommy, gift?" |
Kitams... ang saya-saya rin nya, kagaya ko nung bata pa ako!
at ang laman...Ethan: "FIRE TRUCK mommy?"
At ito pa.. Ethan: . "MONEY mommy"
For a clearer view.. eto yan..
|
personalized money jar from Metro Gaisano Mall @ Php110.00 |
Yung pangatlong gift.. nde ko na na picturan kasi sira! Thomas Train yun na naka sale...
pero napalitan ko na.. at lalo syang natuwa sa Thomas Train..
Pero alam nyo? mas lalo akong natuwa.. dahil... paulit ulit nyang sinabing "Huwaw mommy, fire truck.. ghanda! ghanda! mommy"
Si Ethan, maliit pa lang... nakaka appreciate na ng mga bagay-bagay. Kaya hanggang nagtratrabaho ako, nde ako mag sasawang bilhan sya ng PASALUBONG!
kayo? anong pasalubong nyo?
crazeemum