Pages

Tuesday, December 31, 2013

Ang seremonyas ni Crazeemum ngayong Bagong Taon. #Payo ko ito mga muthers:-) (sa may mga asawa only)

Hi Yah mommies:-)

Napakabilis talaga ng panahon.. eto nga't mamaya ay sasalubungin na natin ang 2014!!!

at alam nyo bang... Napakaraming seremonyas ngayong bagong taon. Pero si Crazeemum ay may sampung pambwenas tips para sa inyo muthers:-)


1. magpolka dots ka    -  simbolo daw yun ng kasaganahan sa buong taon;-)  polka dots na damit ha... nde polkadots sa binti o kaya sa face... hehehe

2. mag-alog ng barya    -  upang buong taon mo ay maging masagana din... ng puro barya:-)


3. magsabit ng pera sa hagdan - para pataas ng pataas ang iyong kayamanan:-)(ay! baket singapore dollars yan? sa kadahilanang ang boss ni crazeemum ay singaporean.. nagpapahiwatig ako na sana ay itaas nya ang sweldo ko!)


4. maghanda ng mga prutas na bilog - dahil eto daw ay nagsisimbolo ng pera...  walang masama.. masarap naman ang prutas healthy pa:-)

mas maganda yung labing tatlong ibat-ibang prutas ang iyong ihahanda...
sure pampabwenas yan:-)

5. punuin ang lalagyan ng bigas pati ang asin at tubig dapat ay puno ang iyong lalagyan para masagana ka sa buong taon. Sige ka kung wala kang tubig sa susunod na taon,... mamamaho ka! Aw!!!

ooopppsss!!! wag kayong maghahanda ng manok.. sige ka.. mangangahig kayo ng isang buong taon! hahaha!!!

order na kayo ng tubig:-)

bili na ng asin

6. magpaputok para sumama sa paputok ang masasamang ala-ala  isama na rin ang mga torotot! Uy muthers.. paputok ha.. at torotot as in yung nasa picture. ano ba yang iniisip nyo(joke!)



7. maghanda ng donut dahil bilog ito nag sumisimbolo ng kaperahan:-)

hahaha! puro pera talaga ang isip eh;-)
8.  At sa bagong taon ay maging malinis tayo sa katawan mga muthers  para bwenasin si mister.. este! tayo pala:-) para bwenasin ang pagsasama natin at ng ating mga mister.
wag kalimutan mag PH care.. alam nyo naman putukan na mamaya, hahaha!:-)
a
9.  at kapay sumapit na ang alas-dose ng hatingabi... buksan natin ang ating mga binatana, pintuan, kaha de yero, aparador at baul ni lola...para mapuno ito ng kasaganahan sa buong taon:-) ooppsss.. walang kalimutan isara pag natulog.. sige ka! magpipyesta ang mga magnanakaw! hahaha!

10.  At sa eksaktong alas -dose!! tayo ay sabay-sabay na tumalon!!! para tumangkad tayo... Sige!!! tatalon talaga kaming crazeefumily.. par tumangkad na tumangkad ang crazeesun ko.. at maging Basketball Player! para makuha ni COACH sa MILO OLYMPICS... hahaha! hanggang sa college.. maging Ateneo Blue Eagles,,, hay! tipid sa edukasyon.

Tara na... TALON NA!

sandali? pano yun??? pano pagsasabayin ang pagtalon at pagbukas ng pintuan at bintana??? aahhh basta gawin nyo!!! para bwenasin tayo sa bagong taon:-)

Dahan-dahan lang sa pagtalon at baka madulas:-)

at hinay-hinay rin po sa putukan:-)

HAPPY NEW YEAR
nawa'y bwenasin tayong lahat:-)

crazeemum

No comments:

Post a Comment