Pages

Friday, July 26, 2013

Ang SONA ni Crazeemum

Hi Yah Mommies:-)


kakatapos lang ng ikaapat na  SONA ni PNOY! ... tinalakay nya dito ang mga achievement ng kanyang gobyerno.  kabilang sa mga ito ay ang mga:


1.  Reporma sa Edukasyon (K-12) 
2. Pantawid Pilipino Program
3. Pagtaas ng TESDA graduates
4. Pagtaas ng PHILHEALTH members pati na rin ang benepisyo


Tinalakay din nya ang . Pagpapalakas ng Sektor sa Agrikultura at ang pagtaas ng SSS kontribusyon ng mga myembro at pagtaas ng pasahe sa LRT at MRT.


Ito ang sitwasyon ng Pilipinas ngayon. Humanga ako sa kanya sa kadahilanang unti-unting na ngang umaahon ang ating mahal na Pilipinas.

Ngunit, nakaramdam din ako ng kalungkutan.... sa kadahilanang.. mayroon pa ring mga empleyado sa  ahensya ng gobyernong ....hayayay....

Sa sinabi nyang ito...

"At sa lahat ng mga gumising sa nagtutulug-tulugan, sa mga nagmulat sa mga nagbubulag-bulagan, sa mga kumalampag sa mga nagbibingi-bingihan: SONA ninyo ito."


Ang SONA nya ay SONA rin pala natin.... Ito ay SONA ko  rin pala... Nitong Enero 2013, ng mag renew ako ng Business Permit ng aming kumpanya,  Nadoble ang declared amount value ng aming  ANNUAL SALES, ito ay pagkakamali ng isang trabahante ng Munisipyo...  Buti na lang at na double check ko... (ang pagcompute ng  CEDULA at Business Permit fee ay batay sa Annual Sales ng kumpanya) .



So ang ginawa ko dali dali akong lumapit sa lalaking nagkamali ngunit ipinaasa nya ako sa Treasury Dept. dun sa nagcompute ng babayarin ko... ngunit pinasa nya ako sa pinakamataas sa Treasury... ipinaliwanag ko ang nagyari ngunit... ipinagdiinan nya na ako ang nagkamali... ang ginawa ko pinakakita ko ang aking lahat ng documento na naglalaman ng totoong ANNUAL SALES ng kumpanya namin. ngunit.. pinagsisisigawan nya ako.

Nandilim ang aking paningin at sinigawan ko rin sya"Huwag mo akong sisigawan sa harap ng mga tao mo... dahil isa ako sa nagpapasweldo sayo, nandito ako para mag explain hinde para sigawan mo" at hinila na ako palabas ng isang empleyado... at pinagawan ako ng notarized letter na ngasasabi ng "ANNUAL SALES" namin, ginawa ko yun kahit hiindi ko kasalanan at para maadjust ang babayarin namin, ngunit   hindi pa rin ako  nagpapigil at pumunta ako sa Mayor, wala si Mayor may meeting... ni report ko sya sa Admin Officer, oo ng inadjust ang babayarin ngunit.. walang nangyari... sa pag siga sigaw sa akin...  ni report ko sya sa website... ang sabi.. ask mayor pero DEDMA!!! wala pa ring nangyari.

Ngayon, Hulyo na.. wala pa ring nangyari:-( 

Gusto ko lang naman sana na ipaliwanang sa akin kung baket sya nagsisigaw sa isang tulad kong ordinaryong mamamayan? Ayaw ko lang naman magbayad  ng labis.

Sa trabahong kong ito, marami akong nasasagasaang ahensya ng gobyerno ang isa pa ay ang Bureau of customs, Kahapon lang... halos magalit ako sa kadahilanang mag iisang  bwan na ang hinihintay naming delivery...  iisa lang ang sinasabi ... kinukompute ng custom! nak..ng... isang buwan kinucompute? nde ba marunong magbilang ang taga compute?

Buti na lang at kaka SONA lang ni PNOY. "sabihin mo sa akin kung madedeliver, kung nde.. ako pupunta dyan sa custom, kaka SONA lang ni PNOY tapos hino hold mo yung delivery! kabuhayan namin yang hinohold mo!" nakakapika! ang sabi may babayaran daw kaming duties and taxes.. sige na,,, i nupgrade nila yung value ng item.. sige na... basta lang ma deliver ngayong araw! 

Nadeliver ngayong araw.. wala naman akong binayaran. (anong ibig sabihin nun?)

Nakakarami na talaga ang custom sa akin, Late last year may shipment kami... 2 makina... so kinomputan ni custom ng duties and taxes... binayaran ng kumpanya... pagdeliver.. isang makina lang ang laman... nagkamali ang shipper.. hinde nailagay ang isang makina.

nag report ako sa custom... ito ang binigay sa akin.


ibig sabihin ang binayaran naming duties and taxes ng pang 2 makina ay T.Y. na lang as in "THANK YOU" nde na namin kailanman ma rereimburse! sa kadahilanang.... nalaman na kulang ang makina nung nakalabas na sa custodiya nila!


Hulyo na - - TY talaga ang sobrang naibayad ng kumpanya.

Paano na lamang ang maliliit na kumpanya o kaya sa indibidwal nangyari ito?  ngayon pa naman na usong uso ang bilihan thru online sales, pag nagkamali ang shipper... bayad si recipient sa bagay na wala sa loob ng package?

Kaya sa sinabi ni PNOY:

Mahaba pa ang ating lalakbayin, at hindi natin kailanman sinabing madali o walang mga hadlang sa landas na ito. Subalit wala akong duda sa kakayahan nating lampasan ang anumang barikada. Hindi tsamba ang mga tagumpay na tinatamasa natin ngayon; huwag tayong papayag na maging panandalian lamang ang transpormasyon. Samantalahin natin ang pagkakataon upang gawing permanente ang pagbabago.

Sana nga malampasan ng ating mahal na Pilipinas ang mga balakid na gaya nito.. kaya ITO ANG ISANG MATAPANG NA  SONA NI CRAZEEMUM...

HUMANDA ANG MGA EMPLEYADO NG GOBYERNONG MAPAGSAMANTALA.  HINDE SA LAHAT NG ORAS TSAMBA KAYO!  AKO BUMOTO AKO NUNG NAKARAANG ELEKSYON SA KADIHILANANG UMAASA AKO NA HINDE PA HULI ANG LAHAT. DAHILA ALAM KO... BABANGON ANG PILIPINAS!


Ikaw?  Ano ang SONA mo?


(Sa nais na magkomento, bukas po ang isipan ni crazeemum, kung may nasabi man akong hinde tama... pakiliwanagan po ako, salamat po)

crazeemum



1 comment:

  1. Ay mare mabait ka pa hahahah. Sa akin yan ratratan di ko sila tatantanan. Eh teka, di ba iba na ang mayor dyan?

    ReplyDelete